
(isang pagbibigay pansin sa mga bagay na hindi humihinga)
Ang shades, pangharang sa mabagsik na sikat ng araw…
Parang sandata sa gitna ng gera…
Minsan pang pa-cute sa mga chicks at boylet na dumaraan…
Kadalasan nagiging panakip sa malinlang na mga matang umaaligid.
Ang shades ay kaibigan ng mga biktima ng sore eyes…
Maaari ding kalaban ng bawat taong dumadaan…
Panakip sa mga paparazzi ng mga artistang sa amin ay katulad…
Bagamat sanay na, di maiiwasang masilaw…
Sa mga ilaw galing sa kamerang hindi mawari sa kakulitan…
Nakakawindang datapwat, nakakapagpabagabag.
Si shades, sa kahulihan, ay kaakibat pag si crush ay dumadaan…
Isang instrumento upang ang crush ay matitigan…
At si shades, hindi ka niya ibubuking na ika’y nakatitig…
Mabuti na lamang na ang katotong si shades, ay di ka ipahuhuli.